Taiwan 2018/2019

Sorry na. I know may utang pa akong Korea blog post (na wala kasi ako sa wisyo talaga ikwento HAHAHA kasi masyado ata akong enjoy dun) pero ikukwento ko na ‘tong Taiwan ko hehehe

Wala naman sa plano ko talaga mag-Taiwan, or mag out of the country na naman for that matter. Pero diba nga kasi, after Korea, medyo nasa kasagsagan pa rin ako ng kalungkutan ko, and basta alam ko tinopak lang ako nun na gusto ko kasi mag-New Year sa ibang bansa. Malungkot nga kasi ako, tapos iniisip ko pano na naman ako sa birthday ng ex ko (which is January 2), kelangan meron akong gawin. So yun. Nag-isip ako ng destination na pwede ko pag-celebrate-an ng new year. Inisip ko pa nga nun local na lang, kaso narealize ko e parang parehas lang maingay pa rin??? Tapos sabi ko gusto ko sana malamig, tapos naiisip ko lang na malapit ay Japan or Korea, e medyo magastos HAHA saka kelangan ng visa. Give up na sana ako until naalala ko yung Taiwan, malamig nga pala dun HAHAHAHA wala silang snow sa Taipei pag winter ang alam ko pero malamig, so g na si ati mo.

Solo travel dapat to. As in walang pagpapaalam na naganap, nagbook na ako ng flight saka accommodation. Feel ko kasi di ako papayagan pag nagpaalam ako, so wag na lang diba. HAHAHAHA ang motto ko nun, wala na silang magagawa (or more accurately, wala nang magagawa yung tatay ko haha) pag nabook ko na so yun. Book na me.

Sa totoo lang: mahal mag-travel pag peak season. Mura lang dapat yung flight and accommodation dito kasi nagtanong tanong ako, kaso yun nga dahil new year gusto pumunta ni besh, mahal ang mga bagay bagay.

Around the time na nagbook ako e nagsimula akong makipag-date sa now boyfriend ko (hahaha wew subtle pasabeg) tapos naturally, as a makwento person sinabi ko na nagbook ako ng Taiwan at the end of the year. Di ko naman in-expect pero siguro mga a few dates after ko yun ikwento, sabi niya sama daw siya sakin sa Taiwan. Sabi ko lang g, hahaha hindi ko masyado sineryoso until magbook siya ng flight kasi hello kaka-start lang naming mag-date parang ang serious naman kaagad nung sasamahan nya ako mag-travel and overseas pa at that, pero may miles naman daw siya sa PAL so g lang. Tho naisip ko nakapag-travel naman na kami together before, pero for work yun saka with other people hahaha ANYWAY AYUN NA. Nagbook siya ng flight so nagchange na ko ng accommodation ganyan ganyan. Partida di pa kami niyan ha HAHAHA sabi nya bawal kami “mag-break” muna until after Taiwan trip kasi nakapag-book na siya hahaha

Ayun pakaba din yung pagpapapaalam na kasama ko siya sa Taiwan, pero nasabi ko yun siguro one week before the trip lang HAHAHA siya rin naman. Kami naman na nun, tapos legal na kami both sides so I guess mas madali? Mas malala pa nga ata yung violent reaction ng tatay ko dun sa solo trip to dapat kesa dun sa kasama ko yung jowa ko e. So yun

DAY 1: Chiang Kai Shek Memorial Hall and Taipei 101

Sa kanila kami sa LB nanggaling kasi para less hassle, maihahatid kasi kami sa airport. Same day kami ng flight pero dahil magkaibang airline e mauuna siya makarating ng Taiwan. Grabe to maysakit pa kami parehas, kakagaling ko sa lagnat tas inuubo pa ako tapos siya naman parang magkakasakit din. Pero ayun, mega inom ng gamot at pahinga, let’s go. Dec 31 ng umaga yung flight namin pa-Taiwan. Hinintay na lang niya ako dun sa airport HAHAHA ang cute nya meron pa siyang ginawang parang banner nakalagay “Lady Sta. Cruz” (ok Sta. Cruz kasi yung apelyido niya like wooooh I melted sorry)

Nakakatawa rin kasi nakachikahan ko yung katabi ko sa flight papuntang Taiwan so yun nagkaron ako bigla ng bagong friend. Haha tho spoiler alert, di naman kami ever nagpang-abot while in Taiwan, pero chika kami dun all throughout hehe

Nagkita kami ng jowa ko sa airport siguro mga 11AM na, pero dahil 3PM pa kami pwede mag-check in e namasyal muna kami. Pumunta kami sa Chiang Kai Shek Memorial Hall a after mag-lunch kasi gutom na gutom na ko pagdating ng airport tapos woooh ang saya maganda dun, nakakatuwa ang lawak lawak pero yun pagod na pagod kami kasi nga ang aga namin gumising. By 3PM nasa may Shilin na kami, di naman kami nahirapan hanapin yung hotel tapos helpful yung nag-guide samin. Pagdating namin may pa-New Year package HAHA katuwa. Maliit lang yung room pero maayos naman, kasya naman kami tapos working everything, working yung tv, yung aircon, maayos yung ilaw saka yung cr haha so okay na rin for me. Okay na rin dapat for him kasi bawal sya mag-inarte hahahaha

Ayun the plan is panoorin yung fireworks sa Taipei 101. Umalis kami mga 10 na HAHAHAHA ang sarap matulog e, tapos mga 11 nasa may Xinyi na kami tas naglakad pa-Taipei 101. Sa tabi tabi na lang kami nag-dinner, dimsum plus parang yung version nila ng empanada tapos soya milk (wew ang sarap ng soya milk na mainit) tapos the whole day actually medyo umaambon so yun ang ginaw. Di masyadong masaya yung fireworks kasi nga umuulan so grabe yung usok, tapos mukhang nasusunog lang yung Taipei 101. Pero happy naman ako kasi first time ko mag-new year sa ibang bansa, at mag-new year’s eve kiss at midnight charot (kahit di niya namalayan na 12MN na pala so mga ilang seconds after pa talaga before kami nag NYE kiss haha MAY HINANAKIT) so yun umiinom kami while watching fireworks, tapos naglakad lakad sa Xinyi area, nakipagsiksikan sa maraming tao para makauwi na tapos wooh legit na pahinga na.

DAY 2: Jiufen and Jinguashi day trip

pero naging Ximending + Shilin Night Market

Yan dapat yung agenda for the day. Late na kami nag-start kasi late na ko bumangon gawa ng pagod the night before, so yun. Dito ko sobrang na-stress kasi naloka kami both pano bumili ng train tickets, anong train yung hihintayin, saang platform, pota. Nakatayo kami sa train the whole time shet wala pa kami sa Ruifang (which is the train station na bababaan bago mag-bus papuntang Jiufen) pagod na pagod na ako at nagtataray na nang malala. Tapos eto nakakaloka, pagdating namin ng Ruifang, sakay kami ng bus…… pabalik ng Taipei. HAHAHAHAHAHAHA SHET NAKAKALOKA SAYANG PAMASAHE. Akala ko non magagalit sakin si Anton (yan, may pangalan yung jowa ko) kasi sobrang sabaw ko, di ko naisip kaagad yung mga ganap and everything, pero chill naman siya. Tawa lang kami nang tawa all throughout. Nakarating kami sa Ximending (di kami aware na nasa shopping district na pala kami), nag-ikot ikot, nagfood trip at naglakad lakad. Tapos bumalik kami ng Shilin, nag-night market, nag-food trip na naman, tapos balik na sa hotel. (NB: Di talaga yun hotel pero for simplicity haha) Nagplano na rin ako ng exact na gagawin for Hualien day trip kinabukasan kasi malayo yung Hualien at part kami ng tour group, so bawal kami matanga at bawal kami ma-late.

Dito rin pala sa araw na to napagdesisyunan kong mag-extend ng stay sa Taiwan, at pinayagan na niya ko wala na siyang magawa kasi nakita ko nagssearch siya ng hot springs sa Beitou tas hirap na hirap ako tanggapin na maghhot spring siya na wala ako so yun. Pinayagan na nya ko mag-extend haha so book ako ng flight tas nagbook ako panibagong accommodation.

DAY 3: Hualien + Raohe Night Market

Eto sobrang tensyonado ako the whole time kasi nga bawal ma-late at bawal maligaw. So nag-uber kami papuntang bus station, sumakay ng bus pa-Luodong, at saka sumakay ng train from Luodong to Hualien. Di naman kami na-late, di naman kami naligaw, at umabot kami sa tour group namin HAHAHA pagod na pagod pero keri naman

So yun. Favorite place ko so far yung Hualien. Ang saya, pumunta muna kami sa beach (di kami nagswimming kasi maulan saka guuuurl ang lakas ng alon parang hihigupin ka siguro) tapos medyo nag-hike, tapos lunch tapos nag-hike ulit (yung pangalawang hike, ito yung Shakadang trail, soooooobrang scenic sobrang ganda, yung Hualien parang malaking national park, kind of reminded me of Yosemite), at pumuntang Eternal Spring Shrine. Yung shrine lang talaga yung dahilan kung bakit gusto ko pumunta ng Hualien at binook tong tour, pero super nag-enjoy ako sa Shakadang trail pati sa beach. Favorite ko na yung Hualien sobra (for this trip, at least). May isa pang destination, yung cliff, pero sabi ko kay Anton magsstay na lang ako sa bus kasi gusto ko na lang matulog, so nagtulog na lang kami both hahahaha tapos yun nag-train na kami pabalik, nagtanong tanong na kami sa tao so less hassle tapos yun. May mga nameet din kaming ibang pinoy na kasama sa tour so hooray new friends!

Eternal Spring Shrine!!!

Tapos after Hualien trip, may imi-meet kasi kaming friend ni Anton for dinner and some drinks. So yun, sabi nya baba na lang daw kami sa Songshan tapos derecho sa Raohe night market, na ang sayaaaaa daming food, tapos natuwa ako sobra kasi may super ganda at elaborate na temple so pumasok muna kami and nag-bask in sa details ang ganda talaga grabe. Sobrang enjoy yung chika with yung friend niya, si Edta, na tuwang tuwa rin daw sakin kasi, and I quote yung sinabi niya kay Anton, “Baklang bakla yung girlfriend mo!” HAHAHAHA ayun natuwa naman ako na okay ako sa friend niya, and nag-inuman lang kami sa may Family Mart at mangiyak ngiyak na ko kasi gusto ko na umihi pero dahil sa labas lang kami ng convenience store wala kaming makita dyusko buti na lang may mabuting soul na may-ari ata ng isang bar na pumayag na makigamit ako ng cr kahit closed na sila at di naman kami dun umorder huhu God bless their souls. Tapos alas-tres na kami nakauwi

DAY 4: Beitou Hot Spring + Gongguan Night Market

Eto wala naman sa original itinerary HAHAHA dapat today, Shifen day tour pero dahil nga nag-extend naman ako isang araw, at dahil haggard yung day before e nag-decide na ngayon na lang mag-hot spring. Saka para din di na umuulan pag nag-Jiufen at Shifen kami.

Sinundan na lang namin yung sa itinerary nila ate Aimar at ginaya kung saang hot spring resort sila pupunta, na buti na lang ginawa namin HAHAHA kasi ang dami palang resort dyusko. Ayun. Will recommend 5/5 stars yung pinuntahan namin, yung Spring City Hotel sa Beitou, may free shuttle sila from Beitou station tapos ayun. Wala kaming swimming attire (actually si Anton walang swimming attire) so nag-indoor hot spring na lang kami para di kami masita sa suot namin while swimming HAHAHA ANG GANDAAAAA huhuhu good for one hour na hot spring room na ang ganda talaga sobra akong nag-enjoy

ALSO monthsary pala namin ‘tong araw na ‘to HAHAHAHAHA ang bongga ng first monthsary activity namin, mag-hot spring hahaha

Month 1

Afterwards, naghahanap kasi siya ng masarap na gua bao so napadpad kami sa Gongguan night market, kasi nasearch ko dun daw yung masarap na gua bao. OHMYGOD IT DID NOT DISAPPOINT. Tapos sa tapat nun may milk tea stall na maliit lang, tas umorder kami without knowing na yun na pala yung arguably best milk tea in Taiwan. HAHAHAHA MUNTIK PA SIYANG DI UMORDER DYUSKO TAS PARA SIYANG NAANAKAN PAGTIKIM NIYA NUNG MILK TEA HAHAHA INTENSE. No other milk tea can compare daw NKKLK tas nag-round 2 kami ng gua bao at milk tea because ang sarap. Hahahaha bumalik kami ng hotel, nag-nap, nagising mga 1AM, nag-ayos ng gamit kasi kelangan na namin magcheck out kinabukasan tapos nag-ayos ng plans for Jiufen at Shifen

Favorite gua bao
Best milk tea

DAY 5: Jiufen and Shifen day tour

So yun. Medyo late na kami nakaalis HAHAHA kasi late na ko bumangon tapos kumain pa kami, tapos pumunta muna kami sa bago naming hotel para itry mag-check in at mag-iwan ng gamit. So yun. Afterwards, pumunta kami sa isang station kasi from there yung mga bus papuntang Jiufen, na nagulat kami kasi ang daming tao so pinatos na namin yung taxi papuntang Jiufen Old Street. Bumili na rin pala kami this day ng pineapple cake HAHAHA nadala sa free taste.

Ayun, natuwa naman ako sa Jiufen hahaha lakad lakad picture picture tapos kain kain. Nagawa ko naman yung goal ko dun which is kumain ng taro balls (which is parang bilo bilo con yelo pero masarap) tapos bumili pa kami ulit ng pineapple cake na pampasalubong (sana masarap yung nabili namin? Kasi di namin tinikman? hahaha) tapos pumunta kaming Shifen para magpalipad ng sky lantern

Okay so pangarap ko kasi talaga mag-wish sa sky lantern HAHAHA hindi ko sure if okay lang sa kanya talaga, pero sabi naman niya nag-enjoy siya hahahaa kung anu-ano lang nilagay namin sa sky lantern namin bago paliparin hahaha basta na-enjoy ko sa Shifen kahit di kami nakapunta sa falls kasi nakapagpalipad na ako ng sky lantern tapos di na rin maulan nung araw na ‘to. Tapos may konting pa-fireworks pa sa Shifen hahaha

Tapos balik kami sa Ruifang. Dapat magbubus kami pauwi kaso wala pala sa kanilang konsepto ng overloading at pagtayo sa bus, so medyo naho-hopeless na kami. Buti naisipan naming magtry magtanong sa train, kasi omg nahabol namin yung train pa-Taipei HAHAHAHA parang 3 mins na lang aalis na yung train tas ang saya nahabol namin, di kami nagkamali ng nasakyan, tapos nakaupo kami WEEEE ang amazing race ng feels ang saya saya tapos nagtanungan lang kami ng mga ‘would you rather’ questions na honestly na-enjoy ko naman ❤

Tapos check in na finally sa bago naming hotel, na omg pang-tatlong tao HAHAHA akala ko nga pagpasok twin double room, as in pang-dalawang tao tas magkahiwalay yung bed HAHAHAHA muntik na ko ma-stress kasi magkahiwalay kami matutulog? Wow may #clingy pero may isa palang double bed saka isang single bed hahaha so okay naman. Tapos malapit kami sa Ningxia night market so di na namin tinuloy yung initial plan na bumalik sa Gongguan night market for gua bao and milk tea kasi gutom na kami, and okay na decision naman yun kasi ANG DAMING PAGKAIN SA NINGXIA LIKE OMG tas gutom na gutom na kami huhu ang saya tas knockout na pagbalik sa hotel tapos kelangan ko na matulog kasi dyusko aalis na ko the next morning huhuhu dapat mga 6AM nasa Taipei Main Station na ako (na buti na lang e walking distance lang from the hotel)

DAY 6: Last day

Nothing much here, hinatid lang niya ako sa train station tas nag-iyakan kami CHAR HAHAHA DI KAMI NAG-IYAKAN tapos yun. Last day na rin niya to pero gabi pa yung flight niya so nakapag-gua bao at milk tea pa siya ulit huhuhu so yun. Ako naman meanwhile natulog na sa Pilipinas hahahaha

FINAL THOUGHTS

Okay naman. Na-enjoy ko naman yung Taiwan. Buti na lang sumama siya kasi baka nagkaligaw ligaw na ko at umiyak na lang sa hotel at di pumunta sa malayo. Marami kasi dito, like yung mga night market at yung hot spring na wala sa original solo itinerary ko. Ang happy ko din kasi na-survive namin yung first trip namin as a couple na hindi kami nagka-warla??? Kahit na feeling ko kaaway-away talaga ko kasi ang tagal ko mag-prepare, tanghali ako gumising, ang chill ko forever, saka naligaw kami at malabo ang plano HAHAHA wala lang na-appreciate ko yun. Gusto ko bumalik pero para sa ibang lugar naman, gusto ko kasi pumuntang Taichung saka magtry pa ng mas maraming milk tea hahahaha yun lang

Also ayun medyo wala akong ootd pics kasi ewan ko ba wala ako masyado sa mood magpicture at mag-ayos for this trip??? Feeling ko kasi ang dami kong breakout gawa ng lamig hays parang Korea trip lang. NA DI KO NA NAKWENTO SORRY HAHAHAHA until next trip!

Hong Kong 2018

So honestly itong trip na ‘to talaga yung trigger ng blog na ‘to HAHAHAHA kasi namaaaaan first semi-solo trip tas after nito medyo may lakas ng loob na yata ako mag-solo trip charot hahahahahahahaha

So dahil semi-solo trip, wala ako kasama minsan tapos wala akong kasama pagdating ko sa “hotel” (magkakaalaman mamaya kung bakit may quotation marks yung hotel) so kanino ko magkukwento ng misadventures ko??? Bigla ko ngang namiss magkajowa na rereportan na “andito na ko finally!” “ang liit ng room ko” “ang dami kong nakasalubong na indiano sa entrance ng building” “amoy jutes yung isang floor” mga ganyan. Kaya eto blog na lang tayo

THE “HOTEL”

So yun dahil nga saling ketket lang ako dito, hanap ako sarili kong hotel kasi mahal dun sa pinagstayan nila Dubhe. Sobrang daming choices sa Tsim Sha Tsui so medyo nastress ako kasi bakit parang pare-parehas yung itsura ng room, and finally nakahanap ako sa airbnb sa Tsim Sha Tsui area din.

When I arrived dun ko lang nagets ang lahat HAHAHA pagkakita ko sa building puro Indian people sa baba asking if you have a room na ganyan tas weird sa isang malaking building, there are multiple “blocks” tapos per block may elevator so pag maling elevator nasakyan mo kasi nasa ibang block GOODLUCK TO YOU. So hanapin mo muna anong block ka tas look for the elevator tas go to your floor. Tapos sa isang block, marami pang “hotel” dun HAHAHAHA ANG LALA. Tas yung first floor puro tindahan, kainan, money changer PARANG QUIAPO. NAKAKALOKA so yun shookt me

Safely naman ako nakarating sa room ko. I will recommend kasi Filipina yung mga nag-aayos, madali sila kausap tapos ang daming tissue HAHAHA important to sakin nun kasi may sipon ako haha marami din ako request nun at di naman sila nagkulang sa pag-assist sakin huhuhu

Maliit lang yung room sobrang cute HAHAHA as in kama lang tas CR. Ok na ko dun when traveling alone kasi ayoko naman talagang maki-share ng parang dorm room kasi gusto ko rin may privacy at may sariling CR. Besides, matutulog lang naman ako dun at maliligo so pweds na. Masaya naman haha may drinking water din sila for free so buti nagbaon ako ng milo HAHAHAHAHA ayan masaya na ko sa mga ganyan. And mabilis yung wifi haha kaso manipis yung walls kaya minsan pag maingay neighbors dinig mo sila tapos pag umuubo ako in the night feeling ko dinig nila. Hahaha sorry

Video of the shortest room tour ever here:

1ST DAY

So yun. Muntik na ata ako maiwan ng eroplano kasi pagdating ko sa airport e SOBRANG DAMING TAO. Next time magbabayad na rin ako agad ng travel tax dyusko. Tapos ang daming tao sa check in, ang daming tao sa immigration (nalimutan ko to grabe wala akong ballpen anak ng. Nagmamadali ka na at lahat maghihintay ka pa ng turn mo sa ballpen) tapos ayun na. 6AM yung flight so dapat by 5:30AM nasa boarding gate na ko. Aba si ate girl nyo dumating 5:29AM 😅 anyway nakasakay naman akong eroplano so YAY HK!!!!!

Edi masaya naman. Yung nakatabi namin ni Dubhe sa flight, medyo binigyan kaming tips. Tas yun pagdating sa airport, money changer lang tapos figure out na san pupunta. At this point hihiwalay na ko kina Dubhe kasi sa Tsuen Wan sila tapos ako sa Tsim Sha Tsui. So yun. Train train galore ako ~ kabado ako nun kasi baka maligaw, baka kung saan ako mapunta, pero madali lang sundan yung train system nila. Di naman ako nawala. Tapos nung naconfuse ako one time, may napagtanungan naman so okay lang. Safely nakarating ako sa Tsim Sha Tsui (TST na lang kasi ang haba hahahaha) tas nakarating sa room ko.

Dalawa agenda today: Macau on the afternoon tapos sa gabi, slight cruise sa Victoria Harbour habang may Symphony of Lights. Tapos yun medyo slight adventure time tas hintayan kami ni Dubhe kasi sasakay ng ferry pa-Macau tas kinakabahan na ko kung makikita ba nila ko ganyan thankfully okay naman. Kaso lagi talaga ko nahihiwalay sa kanila hahahahaa

Yung Macau namin dalawang oras lang kami andun so sa The Venezia lang kami napunta. Gusto ko pa naman sana pumunta sa St. Paul Ruins pero okay din naman sa Venezia at least malamig. Tas sa byahe na lang talaga yung tulog

TAPOS PAGDATING PA PALA AKO BIGLANG NAGKARON LIKE SHET BAKIT. Ang tagal tagal ko hinihintay sa Pinas tapos sa Hong Kong pa dyusko

Laki ng braso ko hahaha

Tarayyyy

Kdrama moment 😍

Wala lang haha pakak ang makeup ko dito at hindi halatang hulas na hulas na kakabyahe

View in the Venetian Macau

Anyway ayun tas takbo na pabalik ng Hong Kong kasi may hinahabol kaming ferry. Literal na takbo talaga hahahahaha ayun naabutan naman namin. Actually yacht ride talaga siya sa Victoria harbour haha natuwa naman ako, relaxing tas nakita namin mga buildings with lights ang saya saya tas mahangin sa dagat. Hulas na kami e.

Walang matinong picture na walang mukha ko sorry hahaha

Feeling indie film

Tapos dinner, then uwian na. Ako malapit lang ako dun so lakad na lang. That concluded my first day na puro transit lang tbh

2ND DAY

Eto dalawa agenda namin ulit: Ngong Ping cable car saka Disneyland!!! So ang usapan ay magmeet ng 8AM sa station malapit sa cable car pero GUESS WHAT 9AM sila dumating HAHAHA grabe muntik na ako tamarin mag-cable car pero buti na lang hindi so yun. Saka buti sobrang konti pa lang ng tao kahit medyo nalate kami sa itinerary

AND OMG GRABE HAHAHAHA nung pagkasakay ko gusto ko pagsisihan na nag-cable car kami kasi takot na takot ako pero later on it was a calm experience na hahahaha masaya. Naglakad lakad kami sa park dun tapos nakita na namin yung big buddha from afar… Oks na yun hahahahaha

Nung kakasakay pa lang

Nung naikalma na niya

With the Big Buddha

Ngong Ping Village

And then Disneyland! Dumating kami dun lunch tas naabutan namin yung lunchtime parade ANG SAYA SAYA KO NAKITA KO NA DISNEY PRINCESSES. Ayun actually isang ride lang nasakyan namin pero masaya naman, towards the end parang gusto ko na lang maiyak HAHAHAHA ayun tas nakapanood kami ng parang musical show ng The Lion King SHET SOBRANG GANDA ANG AMAZING ANG LALA NG PRODUCTION LEVELS. Tapos nanood din kami ng live na show ng Moana at nanood pa ng isa pang parade at nag stay hanggang dulo to watch yung parade of lights NAPAKAGANDA. Tapos amazing race papunta sa train station kasi feeling namin madaming tao pero parang napagod lang kami, kahit yata di kami nagpagod at tumakbo same outcome. Ayun tas bumili ako ng disenteng milk tea pagbalik sa Tsim Sha Tsui (pero ang mahal okay, $35 so times 7 to convert to peso shet na yan buti masarap) at bumili ng pang-almusal tomorrow (na spoiler alert, di ko nakain hahaha)

3RD DAY

Ayun di ako nakatulog nung 2nd night kasi ewan ko ba nagdrama drama pa ko hahahaha tapos ayun so with nothing better to do, I just made ayos our itinerary down to every bit of detail para di kami mawala. Pati where to eat hahaha ang saya saya so ayun tinanghali ng gising ang lola mo pero ok lang, nakabawi ako sa paghihintay ko kina Dubhe the day before haha tho di naman sila naghintay nang matagal.

Photoshoot day today so pumunta kami sa Choi Hung Estate (na malapit lang pala thru train kala ko sa maps ang layo) ANG CUTE DON. Pastel buildings jusko my aesthetic so photoshoot dun, natawa ko lahat ng tao dun nagpphotoshoot hahaha so yun tas pumunta kami sa isang street sa Yau Ma Tei at nagphotoshoot sa ilalim ng araw at pumunta na sa Tsim Sha Tsui to go food trip

Na hindi naman masyado naging food trip kasi nahirapan kami hanapin yung hayup na cheese noodles pero nung nahanap namin OMG WORTH IT. I’m so happy tapos ayun di na ko nakapag matcha kasi naharang ako ng Sassa at Bon Jour around the area tapos sale ng Laneige sa Sassa??? So bumili ako sleeping mask na imbes na Php1400 nakabili ako for Php900 na lang OMG I’M SO HAPPY tapos bumili pa ko ng Shiseido Perfect Whip mga less than 200 lang siguro e dito mas mahal yun kaya yan kahit di ko kelangan kingina

HAAAAAAY

Tapos punta sa Central District tapos grabe ang daming Pinoy dun, dun ata meeting place nila pag day off nila ayun tapos punta na sa Peak Tram, na ewan naenjoy ko lang yung Tram part pero yung view, kebs lang siguro kung di ka hulas. E lagkit na lagkit na ko sa sarili ko e HAHAHAHA so ayoko na.

Kumuha din ako ng picture dito sa view kasi sayang akyat

Tapos may isa pang agenda talaga which is shopping sa Mongkok pero sabi ko uwi muna ko para maligo kasi shet ayoko na init na init na ko. Tas yun ang usapan magkikita kami sa Mongkok pero di kami nagkita so I just wandered around. Di naman mura don huhu tapos parang ang konti pa ng stalls nung pumunta ko DI TALAGA KO NATUWA. Ubos na pera ko sa Giordano pero di pa kumpleto pasalubong ko pero napadaan pa ko sa Bon Jour ulit at bumili pa ng isa pang facial wash yung for double cleansing (ito naman actually kelangan ko na haha #excuses) yung Shiseido All Clear Double W ayun. Tapos mga pasalubong so yun tas uwi na! Nagkaligaw ligaw ako sa Mongkok nakailang moment ako na “nadaanan ko na to kanina ah” e gabi na tas konti lang tao putek ANG SCARY para kong naeengkanto. Nakauwi naman ako.

Tas jirits ako pagdating ko walang net!!! Di ko sila macontact pakshet tapos nastress pa ko kasi kelangan ko ng check in baggage kasi yung mga binili kong facial wash GREATER THAN 100mL shet talaga pano ko iuuwi sa Pinas. Ayun napagkasya ko naman lahat sa bag ko yung mga gamit (ang galing ko mag-pack ok talent ko yun) so nagtiwala na lang na kakayanin sa airport bukas. Nagka-internet din later on pero ayan puyat na naman ako so yun hay

4TH DAY

Uwian na! Ayun mga 7 ako umalis sa hotel so okay naman, di na ko kabado mag-tren. Kaso dahil antok na antok nga ako LUMAGPAS AKO NG ISANG STATION HAHAHAHA so balik ako para maka-transfer sa pa-airport na train. Tapos ayun nagccheck in na pagdating ko tas buti bumili sila ng check in baggage kasi yung isang bag nila >10kg na so sinama ko na dun yung mga facial wash ko hahaha pahamak tas yun na. Ang bilis ko sa immigration kasi automatic na tapos yun muntik na naman kami sa boarding haha kasi nag-last minute shopping pa ko tas sila din haha pero nakasakay naman kaming lahat at nakauwi ng Pilipinas. Also masarap yung in flight mini cookies ng Cebu Pacific HAY wala lang haha #share kaso wala pala ko halos nakain kasi breakfast ko tinapay at milo lang haha masarap yung butter o cheese bread nila sa HK, parang tinapay version ng cheesecake haha super dense.

First time kong mag-window seat tbh

Ayun pagkalanding sa Pilipinas nag-grab na ko… At nalungkot kasi walang nagsundo sakin. Gusto ko din kumain nang masarap kaso wala naman ako kasama. Yan na-sad na naman ako na wala akong jowa HAHAHA just keepin’ it real pero umuwi na lang ako at natulog ng 3PM, at gumising kinabukasan na HAHAHAHA NAGBAWI NG TULOG ANG ATI MO.

So yun masaya naman ang HK trip, marami din ako naconsider na achievements and gusto ko ulit mag-solo trip hahaha yeeeeey kaso yun hirap ng maysakit at meron hahaha I’m less afraid na. Tapos wag na wag nyo gagayahin itinerary namin sobrang kapagod

OOTDs

Of course di to mawawala kasi pinagpaplanuhan ko ‘to nang malala HAHAHAHA hay napabili ako ng kung ano ano for this trip JUSQ

Day 1: Airport and Macau

Day 1: Victoria Harbor Cruise

Day 2: Ngong Ping Village

Day 2: Disneyland

Day 3: Photoshoot!

Actually nagpalit pa ko ng damit sa Peak Tram kasi bida bida ako hahahaha pero wala akong matinong pic so yun.

To more solo adventures!

Why

Actually ang dami ko nang blog tas baka sa simula lang ‘to maging okay, so reminder din ‘to for me na ituloy ko na. Saka what and what not to expect.

Nung nag-HK kasi ako, naisip ko gusto ko ng hashtag para sa lahat ng trips ko. Para consistent. So isip ako nang isip ng hashtag na dapat magde-denote na napunta ko sa ganitong lugar, and dapat syempre wala pa gumagamit. Tas naisip ko Lady loves <place>. Tinry ko sa mga napuntahan ko na and parang wala pa naman, so yan yehey

Tapos bigla ko naisip na gumawa ng blog na lang din, kasi wala naman nga akong makwentuhan bigla ko lang na-realize. Tapos gusto ko lagi ipost na yung pictures ko in a trip sa instagram kaso sabi mas ok daw na yung hintay ka a few days ganyan tas post paisa-isa. E hindi ko kaya yun ang hirap hahahahahaha so ilalagay ko na lang sa blog post lahat diba?

So ayun. Eto na nga, my new baby. Sana sumikat ako char hahaha tapos legit magkukwento lang ako dito. Wala yung itinerary na detailed, budget breakdown, etc etc kasi baka di naman maging helpful dahil di naman ako yung pinakatipid traveler or what. Basta kung ano gusto ko at kung kaya ko naman, edi g. Pero along the way syempre may practical tips, insights, saka indirect reviews.

Basically, kelangan ko lang ng kwento dump at photo dump hahahaha okay g na